AKO'Y ISANG OFW ----MASAYA KONG BINABALIKAN ANG GAWAIN AT BUHAY NG KABATAAN KO NOON!😘😘😘.
NAGING MATAGUMPAY AKO BILANG OFW. MASUWERTE SA MGA NAGING AMO. NAKAIPON NA RIN NG MALAKING PERA DAHIL SA KASINOPAN AT NAKATULONG NA RIN SA MGA MAGULANG AT KAPATID. NGUNIT HINDI HABANG PANAHON AY MAPAPALAYO NA LANG PALAGI SA PAMILYA DAHIL ANG BUHAY AY HINDI NATIN ALAM KUNG KAILAN BABAWIIN NG PANGINOON..MINSAN SA TAGAL NG PANAHON SA IBANG BANSA UUUWI AKONG DI KO NA MAKIKITA ANG MGA TAONG AKING NAKALAKHAN AT NAKAKASALAMUHA. HINDI KO NA RIN MAKILALA ANG MGA HULING TUBO. KAYA HABANG MAY PANAHON NAIS KO RIN MAKASAMA ANG MGA MAHAL KO SA BUHAY.AANHIN KO ANG PERA KONG SALAT NAMAN AKO SA PRESENSYA SA MGA MAHAL KO..KAYA SA AKING LABIN-ANIM NA PAKIKIPAGBAKA..ANDITO AKO BUMALIK SA LUGAR NA AKING NAMULATAN KASAMA ANG MGA MAHAL SA BUHAY AT BINABALIKAN ANG AKING GAWAIN NOONG AKO'Y NANGANGARAP PA LANG..LUGAR KUNG SAAN NABUO ANG MATAYOG KONG PANGARAP----"ANG BUKIRIN"
SALAMAT PANGINOON SA GABAY AT PAGMAMAHAL!