in the future - u will be able to do some more stuff here,,,!! like pat catgirl- i mean um yeah... for now u can only see others's posts :c
ADBOKASIYA KO, MINARITES MO!
Para sa iyo, ano ba ang ibig sabihin ng salitang ADBOKASIYA? Ikaw baβy naniwala sa mga taong meron nito? Ano ba yong kaya mong maipakita na suporta sa mga may hangad nito?
Iilan lang ito sa mga tanong na umiikot sa isip ko. Minsan kasi, andami kong naririnig na komento kung totoo ba talaga ang Adbokasiya ko? Bakit ko raw iniwanan ang pagiging isang magsasaka kung ito ay isang Adbokasiya?
Siguro, simulan natin kung ano ang ibig sabihin ng Adbokasiya. Para sa akin po, ang Adbokasiya ay isang adhikain sa pagtulong mo sa kapwa, sa komunidad o sa kahit sino pa. Lahat tayo ay may kanya-kanyang paraan kung paano tayo makakatulong sa mga taong dapat tulungan. Kahit sino pwedeng may Adbokasiya. Hindi kailangan maging isang Enhinyero o Magsasaka o kahit ano pa man, para lang makakatulong sa iba. βWe can always help in our own little ways.βHindi lang sa pera, materyal o serbisyo. Kahit maging isang inspirasyon ka sa iilan, okay na yon. Basta nakakatulong kang baguhin ang mindset ng kahit isang tao na minsaβy naniniwala sa iyo, sapat na yon na tawaging Adbokasiya.
Andami kung plano sa buhay. Hindi lang sa pansariling benepisyo o para sa pamilya ko. Kundi pati na sa publiko at lalong-lalo na sa mga bayaning magsasaka na minsan nakasalamuha ko pa. Kahit malayo man ako ngayon sa kanila, hindi pa rin magbabago ang adhikaing ito. Patuloy pa rin ang pagiging isang Magsasaka ko sa paraan ko at patuloy pa rin ang pagiging isang Enhinyero ko sa panahong ito. At higit sa lahat patuloy pa rin ang nasimulang Adbokasiyang ito! Walang kahit isang Marites na makapagbabago sa aking ninais. βAdvocacy never sleeps and it never ends.β π€
Sana baguhin nyo na ang mga mindset nyo. Sana maging masaya na kayo para sa kapwa nyo. Sana suportahan tayo. Sana, isa kayo sa na inspire ko. At higit sa lahat, Sana magtiwala kayo at suportahan nyo ang sensiro at mapagkumbabang Adbokasiyang ito.
Keep Safe Mga Ka-M.Eβ¦. No goodbyes, just see you next time! HAPPY FARMING! π§βπΎπ€πΈπͺ
2 - 0
Mga Ka-M.E... Pacensya nagpahinga muna tayo ng konti. ANO ANG GUSTO NINYONG NEXT CONTENT NATIN?
2 - 0
Mga Ka-M.E..pasensya di tayo nakapag upload ng content nowadays...yayay pa si ka-M.E. nyo! Uploading soon..Happy Farming! π€
2 - 1
https://youtu.be/0dP4P6WVMjQ
BENTA NG LUYA NAKABILI NG HILUX!
SALUDO PO KAMI SA INYO SIR MANUEL CUIZON. π€
2 - 0
Fresh farm produce from our fellow farmer in Buenavista.
Abangan nyo po mga Ka-M.E. ang KWENTONG TAGUMPAY - A farmer's success story of Sir Manuel Cuizon.
Talagang ma-inspire kayo sa kwento nya ng dahil sa Luy-a, nakabili po siya ng Hilux na sasakyan.
Thanks Sir Manuel sa palibreng atsal at kamatis. God bless you more Sir! π€
7 - 0
I am Raul Berame aka Magsasakang Enhinyero in short Ka-M.E. Ang channel na ito ibahagi ko po sa inyo ang ating Farming Best Practices, Farmer's Success Stories at ang Simpleng Buhay sa Probinsya. Be part of this advocacy, Please Like, Share & Subscribe. HAPPY FARMING! π€πππ₯¬πππππ€