Forum 2 of the 2016 TWSC Public Forum Series

5 videos • 13 views • by Third World Studies Center Ito ang ikalawang forum ng 2016 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, "Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino." Tampok sila Dr. Aries A. Arugay ng Departamento ng Agham Pampulitika at Dr. Francisco J. Lara Jr. ng Departamento ng Sosyolohiya bilang mga tagapagsalita sa forum na ito. Si Dr. Arugay ay tatalakay sa mga inisyatiba--o ang kawalan nito--na baguhin ang mga institusyong pulitikal para mapaunlad ang mas malawakang partisipasyong pulitikal sa kanyang, "Institutions Matter! Redesigning Representation and Philippine Democratization." Si Dr. Lara naman ay susuriin ang patuloy pa ring karahasan sa Mindanao sa kabila ng peace process sa kanyang, "Peace Processes and Resilient Conflict in Mindanao: Status and Perspectives." Ginanap ang forum na ito noong ika-18 ng Pebrero 2016 (Huwebes), mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.