Ang Rehabilitasyong Pulitikal ng mga Marcos

10 videos • 190 views • by Third World Studies Center Ang pampublikong forum na "Bonggang Bonggang Bongbong: Ang Rehabilitasyong Pulitikal ng mga Marcos" ay ginanap noong ika-28 ng Nobyembre, 2013 mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Pulungang Claro M. Recto (Faculty Center Conference Hall), Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City. Ang forum na ito ay bahagi ng 2013 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, "Marcos Pa Rin! Ang mga Pamana at Sumpa ng Rehimeng Marcos." Sa forum na ito tinalakay ng mga tampok na tagapagsalita (Prof. Gerry Eusebio ng De La Salle University, Mr. Butch Hernandez ng The Eggie Apostol Foundation, Dr. Amado M. Mendoza Jr. ng UP Diliman Department of Political Science, at Dr. Ferdinand C. Llanes ng UP Department of History) ang panunumbalik sa kapangyarihan ng mga Marcos at ang maaaring maging epekto nito sa pagsusulat ng kasaysayan.