My Husband's Lovers, isang Public Forum
7 videos • 87 views • by Third World Studies Center Ang public forum na "My Husband's Lovers: Ang Pag-ibig at Pagkamuhi kina FM at Meldy mula sa mga Martial Law Babies hanggang sa Kasalukuyang Henerasyon" na ginanap noong 4 Pebrero 2014 sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ay bahagi ng 2013 UP TWSC Public Forum Series na "Marcos Pa Rin! Ang mga Pamana at Sumpa ng Rehimeng Marcos." Tampok na mga panauhin sa forum na ito sina Dr. Teresita G. Maceda ng Departamento ng Filipino at Panitikang Pilipino ng UP Diliman, G. Frank Cimatu, correspondent ng peryodikong Philippine Daily Inquirer at isa sa mga patnugot ng koleksyong Mondo Marcos, at Bb. Raissa Robles, correspondent ng peryodikong South China Morning Post at publisher at webmaster ng raissarobles.com.